17 January 2022

PGS Lecture Series 2022-01: Disaster Studies Manifesto at Accord - pananaliksik at pagsasalin

Adhikain ng Disaster Studies Manifesto at Accord na nakalathala sa https://www.radixonline.org/manifesto-accord na mas pahusayin ang pag-aaral ng kalamidad at ang praktis ng pagbawas ng banta at epekto ng kalamidad (o Disaster Studies and Disaster Risk Reduction). 

Isa sa mga isinusulong nito ay ang pagamit ng wikang lokal, likas o taal (local and indigenous language) na mas akma sa konteksto at mas higit na naiintindihan lalo na ng mga pinaka-apektado ng kalamidad. At sa mas malawak pa na perspektibo, maraming aspeto na may kinalaman sa metodolohiya ng pagsasaliksik, at mga ugnayan at layunin ng mga mananaliksik, awtoridad at iba pang indibidwal at organisasyon ang maaaring suriin at bigyan ng mas akmang pakahulugan gamit ang mga lokal na wika. At upang higit na maunawaan at maipakalat ang mga nabanggit na adhikain sa Pilipinas, isinalin ng Geography 255 (Environmental Hazards and Disaster Management) class sa wikang Filipino ang Disaster Studies Manifesto at Accord. 






Hinihikayat ang mga iba pang iskolar at propesyonal sa larangan ng kalamidad na isalin ang dalawang dokumento sa kani-kanilang wika. 

Iniimbitahan ang lahat na makilahok sa presentasyon ng mga pahayag at saliw ng paninindigan tungkol sa pag-aaral ng kalamidad sa darating na Enero 21, 2021 (5:30 to 7 PM).  Para maka rehistro, i-click ang link na ito. 

Ang presentasyonng ito ay itinataguyod ng Philippine Geographical Society  at ng UP Department of Geography.

No comments:

Post a Comment