Sa kauna-unahang talakayan ng Heo/Geo Lecture Series ngayong taon, ang UP Department of Geography ay nagagalak na ipakilala si Kaloy M. Cunanan at ang kanyang presentasyon na pinamagatang Ilang Tala sa Medyasyon at Konsepsyon sa Paglalapat ng Siyudad Kumprador. Gaganapin ito ngayong Biyernes, ika- 20 ng Enero, taong 2023 (alas-5 ng hapon) sa Zoom.
Photo: Amanda Echanis | Poster: Dominique Amorsolo | Heo/Geo logo: Azariah CortezNagsisikap na manggagawa sa panlipunang pananaliksik si Kaloy Cunanan. Siya ay isang independyenteng mananaliksik na kasapi ng UP Center for International Studies. Sa kanyang lektyur, napagpapatuloy niya ang kanyang personal na mga adhikaing pumapaksa sa maka-Pilipinong espasyo at pag-unlad.
Kung nais mong makilahok sa panayam na ito, pindutin ang link na ito para mag register o itong link: https://tinyurl.com/dswyb7ad
Ang Heo/Geo ay ang proyektong pag-ugnayan ng UP Department of Geography at Philippine Geographical Society.
No comments:
Post a Comment